
Kabilang ang Kapuso hunk and actor na si Vince Maristela sa cast ng bagong family drama series na Hating Kapatid.
Sa naturang serye, makikilala ang dating Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemate bilang Wesley, na love interest ng karakter ni Cassy Legaspi na si Belle.
Sa “Chika Minute” report ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras, nagpapasalamat si Vince na si Cassy ang kanyang makakapares niya sa naturang serye.
“Very welcoming ng Legaspi family and para sa akin thankful din ako kay Cassy dahil siya 'yung makaka-partner ko rito at napakakomportable ako kasama siya, at nag-e-enjoy talaga ako kapag nasa taping ako,” pagbabahagi niya.
Bukod dito, excited at curious ang aktor sa susunod na batch ng housemates na papasok sa iconic Bahay Ni Kuya para sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Aniya, “Siyempre, ibang-iba 'yung dynamics niyan. Curious din ako, in a way, dahil hindi ko alam kung paano nila tatanggapin ang mga challenges ni Kuya.”
Matatandaan na naging bahagi si Vince Maristela ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Panoorin ang buong “Chika Minute” report sa video sa ibaba.
Samantala, patuloy na subaybayan ang Hating Kapatid tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
RELATED GALLERY: Vince Maristela, the budding primetime hunk you should watch for