What's Hot

Vintage Voltes V robot na nabili noon sa halagang Php150, posibleng nagkakahalagang Php20k na ngayon

By Jansen Ramos
Published November 23, 2022 4:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PhilHealth YAKAP's services, 75 free medicines: Who can avail and how
GMAKF, nagpapatayo ng 2-storey Kapuso school building sa Malitbog Elementary School | 24 Oras
DTI: Price hike for goods, other items needs agency's approval

Article Inside Page


Showbiz News

derrick ko holding voltes v robot in ijuander


Ayon sa vintage toy collector na si Derrick Ko, ang presyo ng bawat laruan ay nakadepende raw sa kondisyon at kung gaano ito kaluma, at posible pang abutin ng milyon ang halaga.

Naging parte na ng maraming batang '80s at '90s ang iconic Japanese anime series na Voltes V.

Gaya na lang ng 47-year-old vintage toy collector na si Derrick Ko, inamin niyang kinatandaan na niya ang pagkahilig sa palabas kaya naman nagtayo siya ng isang museo noong 2000 para ma-display ang kanyang mga koleksyon. Pinangalanan niya itong Retro Toys Collections.

"Basically, ang mga kino-collect ko is may mga vintage toys talaga, mga 1990s pababa, the earlier the better. So 'yung mga binibili ko, 'yung mga toys na kinalakihan natin no'ng bata tayo.

"Very memorable kasi para sa 'kin 'yun e, very nostalgic," bahagi ni Derrick sa episode ng I Juander noong Linggo, November 20.

Noong bata raw kasi si Derrick, hindi daw sila makabili ng mga laruan dahil sa hirap ng buhay.

Kaya noong tumanda at magkaroon ng trabaho, ipinangako niya sa kanyang sarili na babalikan niya ang mga laruan na kinasabikan niya noon.

Ayon kay Derrick, ang presyo ng bawat laruan ay nakadepende raw sa kondisyon at kung gaano ito kaluma, at posible pang abutin ng milyon ang halaga.

Isa sa kanyang mga naging customer ang Kapuso comedian na si Michael V. na isa ring certified Voltes V fan.

Bahagi ng toy collector, nakabili sa kanya si Bitoy ng isang rare collectible sa presyong mahigit-kumulang Php15,000.

Bukod sa mga vintage Voltes V robot, meron din iba pang Voltes V merch si Derrick na nabili lang niya noon sa murang halaga.

Aniya, pwede nga raw ito maibenta ngayon sa nakalululang halaga gaya ng Voltes V lunch box na naka-seal pa na maaaring Php30,00 pataas na ang halaga.

Ang robot naman na nabili niya noon sa Divisoria sa presyong Php150, maaari raw na Php20,000 na ang value nito kapag ibinenta nang sealed pa.

Panoorin ang buong panayam sa video sa itaas.

Samantala, nakatakda nang ipalabas ang GMA live-action adaptation series ng Voltes V na pinamagatang Voltes V: Legacy sa 2023.

Ito ay mula sa produksyon ng GMA Entertainment Group, sa ilalim ng panulat ni Suzette Doctolero at sa direksyon ni Mark Reyes.

Lahat ng mga materyal na gagamitin para sa programa ay inaprubahan ng TOEI Company at ng licensing agent nito sa Pilipinas na Telesuccess Productions, Inc.

NARITO ANG CAST NG VOLTES V: LEGACY: