What's Hot

'VIP' stars Jang Na-ra at Lee Sang-yoon, may pagbati at imbitasyon para sa mga Kapuso

By Marah Ruiz
Published November 25, 2020 7:22 PM PHT
Updated November 30, 2020 12:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DOH: 2 dead, over 260 hurt in motorcycle crashes amid Christmas 2025 rush
PDLs reunite with families on Christmas Day
Kavi On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

VIP cast


Iniimbitahan ng 'VIP' lead stars na sina Jang Na-ra at Lee Sang-yoon ang mga Kapuso na manood ng kanilang drama, eksklusibo sa GMA.

Isang imbitasyon at pagbati ang ipinadala ng South Korean stars na sina Jang Na-ra at Lee Sang-yoon para sa mga Kapuso at fans ng GMA Heart of Asia.

A scene from VIP


Sa pamamagitan ng isang video greeting, hinikayat nila ang mga Pinoy K-drama lovers na panoorin ang pinagbibidahan nilang office mystery drama series na VIP.

"Hi, Kapuso! Hello to all our Filipino fans. This is Jang Na-ra," sambit ng aktres.

"I love GMA. Watch 'VIP,' dagdag pa niya.

Pinaalalahanan din ni Lee Sang-yoon na panoorin ang kanilang serye sa GMA.

"Hi, Kapuso! Hello to all our Filipino fans. This is Lee Sang-yoon," pakilala niya.

"Don't forget to watch 'VIP' exclusively on GMA," paalala nito.

Gaganap ang dalawa bilang mag-asawa sa serye.

Si Jang Na-ra ay si Janine, habang si Lee Sang-yoon ang kanyang asawang si Simon.

Magkasama silang nagtatrabaho si VIP management team ng high-end department store na Sung Un.

Tila perpekto ang mag-asawa sa mga mata ng iba pero lihim palang pinagtataksilan ni Simon si Janine.

Malalaman ni Janine sa pamamagitan ng isang anonymous text message na isa sa mga katrabaho nila ang kalaguyo ni Simon.

Gagawin niyang personal na misyon na malaman kung sino ito.

Huwag palampasin ang huli at pinakamatinding handog ng GMA Heart of Asia ngayong taon--ang office mystery drama na VIP, simula November 30, Lunes hanggang Huwebes pagkatapos ng My Korean Jagiya sa GMA Telebabad.