
Kakaibang gimik ang hatid ng viral dancing mom na si Nica Cinco sa araw ng kanyang kaarawan.
Sa edad na 63, kayang-kaya pa niyang makipagsabayan sa South Korean girl group na Momoland sa pamamagitan ng pag-indak sa dance craze na "BBoom BBoom."
I-vinideo siya ng kanyang anak na siyang uploader ng video na si Kristine Cinco. Mayroon na itong 3.7 million views at 58,000 shares sa Facebook dalawang araw pa lang ang nakakalipas.
Ayon sa post ni Kristine, hindi pa daw ito ang perfect version ng sayaw ng kanyang Mommy Nica.
"My 63 y.o. mother dancing "Bboom Bboom" (isang take lang 'cause napagod na)
"PS This is her imperfect version daw
"PPS Happy Birthday Mother," sulat niya.
Base sa mga komento ng netizens, nakaka-good vibes daw ang pagiging cool at graceful ng 63-year-old mom.