
Sa recent episode ng ‘Kapuso Mo, Jessica Soho,’ ibinahagi ang storya ng isang lalake na nag-viral dahil sa kaniyang “pogi transformation” kahit hindi siya nagpa-retoke.
Wala raw bahid ng ka-pogian noon si Mark Joseph Ramos 'nung siya'y high school pa lang.
“Nung panahon na ‘yun, lagi ako nagba-basketball kahit mainit, kahit tanghaling tapat. Okey lang sa akin kahit mainitan ako, maarawan, kahit umitim ako ng todo. Kasi basketball is life noon.
"Sa umaga, bago pumasok sa school doon lang ako maliligo, then pag dating ng hapon, wala. Kahit hilamos, wala. Wala akong pakialam sa itsura ko noon.”
Dumating sa panahon na nabu-bully na siya dahil sa kaniyang itsura. “Dati lagi ako nabu-bully kasi nga payat lang ako, ang itim itim ko, ang pangit ko. Pero komedyante kasi ako dati sa room, kaya para sa akin, okey lang ‘yun, at least napapasaya ko sila nung mga panahon na ‘yun.”
Nang ma-basted si Mark ng nakursunadahan na babae dahil sa mga karibal na mas pogi sa kaniya, namulat daw siya sa katotohanan na kailangan niyang alagaan ang kaniyang sarili. Mula noon, mas inalagaan na ni Mark ang kaniyang itsura, hindi man para sa nam-basted sa kaniya, kung ‘di para sa kaniyang sarili.
Ngayon, ibang iba na ang itsura ni Mark. Sumasali na rin siya sa mga pageant at nagmo-modelo pa.
Paano nga ba nakamit ni Mark ang kaniyang pogi transformation ng walang retoke? Panoorin sa KMJS: