What's on TV

#VIRAL: Michael V's "Gayahin Mo Sila," patok sa netizens

By Maine Aquino
Published March 11, 2018 7:26 PM PHT
Updated March 12, 2018 4:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dagan sa Panahon atong Sayran | Balitang Bisdak
Trump says Putin has been invited to join Board of Peace
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News



Trending sa YouTube ang ginawang parody ni Michael V. sa Ex-Battalion song na 'Hayaan Mo Sila.' 

Nakaka-LSS o Last Song Syndrome ang bagong parody na ginawa ni Michael V. para sa longest running comedy show na Bubble Gang.

Ang "Gayahin Mo Sila" ay ang parody na ginawa ng Bubble Gang mula sa hit song na "Hayaan Mo Sila" na pinasikat ng Ex Battalion. Inilabas ang video na pinagbibidahan nina Michael V. at Sef Cadayona nitong March 10 at pasok na ito sa trending list ng YouTube at may lagpas 200k views. 

 

Tila nagkatotoo ang lyrics ng kanta na "Tingnan nyo, magvi-viral din ako. Sinasabi ko sa'yo two days lang sikat na 'to."

 

 

Ilang netizens naman ang nagpakita ng kanilang paghanga sa husay at talento ni Bitoy sa paggawa ng "Gayahin Mo Sila."