What's on TV

VIRAL: Netizen, nagsumbong sa DepEd na dinadaya ng principal si Sahaya

By Michelle Caligan
Published April 4, 2019 2:03 PM PHT
Updated April 4, 2019 2:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Palace: PrimeWater to be held liable if proven at fault
Brandon Espiritu recommends this workout as a running alternative
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.

Article Inside Page


Showbiz News



Tila masyadong invested sa kuwento ng primetime series na 'Sahaya' ang isang netizen. Sa sobrang apektado nito sa pandarayang ginagawa ng principal kay Sahaya ay nagsumbong ito sa Facebook page ng Department of Education o DepEd.

Tila masyadong invested sa kuwento ng primetime series na Sahaya ang isang netizen. Sa sobrang apektado nito sa pandarayang ginagawa ng principal kay Sahaya ay nagsumbong ito sa Facebook page ng Department of Education o DepEd.

Sahaya
Sahaya

Sahaya: Apela ng tunay na Valedictorian | Episode 12

Sa Facebook post ni Kevin Beethoven, makikita ang screenshots ng kanyang mensahe sa DepEd. Sinasabi niyang magkasabwat ang principal at si Farida at si Sahaya talaga ang karapat-dapat na valedictorian.

Sa episode kagabi, April 3, parehong naka-perfect score sina Sahaya at Farida sa quiz bee, kaya gumawa ng tiebreaker question si Mayor Dante. Ang sagot ni Sahaya ang kanyang nagustuhan, dahilan para ito ang kanyang piliin bilang valedictorian.