GMA Logo Daisy Madam Inutz Cabantog
What's Hot

Viral online seller na si Madam Inutz, may pakiusap sa mga nagre-report sa kanya

By Aimee Anoc
Published August 16, 2021 2:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Daisy Madam Inutz Cabantog


Sino nga ba ang viral online seller na si Madam Inutz kapag hindi na naka-live?

Sa lahat ng online live seller ngayon, isa si Madam Inutz sa pinakamaingay at nagugustuhan ng marami.

Dahil sa kuwela at kakaibang estilo sa pagbebenta, viral ngayon ang live online seller na si Daisy "Madam Inutz" Cabantog. Pero bakit nga ba siya tinawag na "Madam Inutz?"

"Hindi ko na dinirektang inutil na word kasi nga lagi na ako nare-report, iyon na 'Inutz' na talaga 'yung tinawag nila sa akin. Doon na ako nakilala, kaya tinawag na nila akong 'Madam Inutz,'" pagbabahagi ni Daisy sa Kapuso Mo, Jessica Soho.

Sikat man at mayroong libo-libong viewers sa kanyang live online selling, todo-diskarte pa rin si Madam Inutz dahil wala namang nagma-mine sa kanyang paninda.

"Thousand viewers, puro lang ako viewers, walang miner," pabirong sabi ni Daisy habang naka-live.

Pero dahil marami ang natutuwa sa kuwelang online live selling ni Madam Inutz, wala mang nagma-mine, marami naman ang nagdo-donate sa kanya.

"Madam ang lakas mo makapatay ng stress namin, ang lakas mo makapatay ng depression. Nagugulat nga kami 'pag may pumapasok na halagang P2,000, P2,500, at P1,000," sabi niya.

Binansagan mang 'Madam Inutz' ng karamihan, malayo naman si Daisy Cabantog sa pagiging "inutil."

"Namulat talaga sa hirap. 17 years old po ako, nag-a-apply po ako sa Japan nu'n na singer, dancer po," kuwento nito.

Naibahagi rin ni Madam Inutz ang kanyang buhay pag-ibig. Nakaka-relate raw siya sa sinabi ng isang viewer na "parehas tayong minahal pero hindi pinanagutan."

"Talaga totoo, malas ako sa pag-ibig. Noong January 2013, umuwi ako rito sa Pilipinas at nakilala ko nga po itong ex-boyfriend kong British. 8 years kaming nagsama, every two months kasi umuuwi siya. Pandemic lang pala makakapaghiwalay sa amin," dagdag pa niya.

At para matustusan ang pangangailangan ng tatlo niyang anak, kahit pag-o-online selling ay pinasok na rin ni Madam Inutz.

Pero bukod sa kakaunting nagma-mine sa kanyang paninda, madalas ding nare-report ang kanyang videos dahil sa kanyang hindi magandang pananalita.

"Humihingi ako ng paumanhin sa mga nakakapanood sa akin dahil may mga tumatawag sa akin at nakakausap ko 'yung mga anak nila. Sabi ko ''Nak 'wag mong gagayahin 'yun ah biro-biro lang 'yun,'" paghingi nito ng paumahin.

Ibinahagi rin ni Madam Inutz ang tunay niyang buhay sa likod ng kamera kung saan ang isa sa pinanghuhugutan niya ng lakas para mas lalo pang magsumikap ay ang kanyang inang na-stroke.

"Si nanay po medyo hindi maganda ang kalagayan po kasi bed ridden na po siya for 5 years," pagbabahagi niya.

"Natatakot siyempre number 1 mawala siya kasi siya 'yung nagiging inspirasyon ko para ipagpatuloy 'to. Mawalan man ako ng partner pero magulang hindi ko kakayanin," naiiyak na sabi ni Madam Inutz.

Tunay na kung sino pa iyong likas na masiyahin sila ang may pinakamalalalim na pinanghuhugatan sa buhay. Kaya naman may pakiusap si Madam Inutz sa mga nagre-report sa kanya.

"'Wag niyo na akong i-report kasi dito kami kumukuha ng pangkain. Ito ikinabubuhay naming mag-iina, ng nanay at tatay ko," pakiusap niya.

Panoorin ang kabuuan ng kanyang interview sa KMJS:

Samantala, tingnan ang ilan internet sensations na naging bahagi ng showbiz dito: