GMA Logo This Band in Family Feud
What's on TV

Viral OPM band na This Band, makabuluhan ang naging paglalaro sa 'Family Feud'

By Jimboy Napoles
Published November 11, 2022 6:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

900 families affected by Mayon unrest in Albay receive aid from GMA Kapuso Foundation
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

This Band in Family Feud


Napiling charity ng This Band sa kanilang pagkapanalo sa Family Feud, may kaugnayan sa kanilang kabandang may kondisyon sa balat.

Nagpapasalamat ngayon ang viral OPM band na This Band sa oportunidad na ibinigay sa kanila na makapaglaro sa trending game show sa bansa na Family Feud kasama ang game master na si Dingdong Dantes.

Ilan sa miyembro ng banda na naglaro sa game show ay sina Andrea Manzano, Euwie Von Loria, John Kenneth Macaranas, at Mikki Galvan.

Miyerkules, November 9, nang maglaro ang naturang banda sa nasabing weekday game show kung saan nanalo sila laban sa kalabang team at kapwa indie band na Bandang Lapis.

Sa episode rin na ito, nakapag-uwi ang This Band ng PhP100,000 habang nakatanggap naman ang Psoriasis Philippines ng PhP20,000 bilang kanilang napiling charity.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng nasabing banda ang kanilang pasasalamat sa programa at ang magandang balita na nakapagbigay sila ng tulong sa naturang organisasyon na malapit sa kanilang puso.

"Yay! We won! Thank you so much Family Feud Philippines for the happy experience. Even to our brothers in Bandang Lapis . So solid!!! Sharing the blessing to Psoriasis Philippines Happy World Psoriasis Day po!," saad nila sa kanilang post.

Kuwento ng This Band, isa sa kanilang kabanda ang may sakit na psoriasis, isang sakit sa balat kung saan nangangapal o nagkakaliskis ang balat ng sino mang mayroon nito. Hindi naman ito nakakahawa pero madalasitong pandirihan ng ilan, kaya naman ang organisasyon na tumutulong sa mga may sakit na ito ang napiling tulungan ng nasabing banda.

"Napag-usapan namin ito kasi 'yung isa naming member na si Kuya Carson, meron siyang psoriasis so gusto naming i-share 'yung blessing sa Psoriasis Philippines," ani Mikki.

Ang This Band ay ang banda sa likod na viral hugot songs na "Kung Ayaw Mo Na," "Hindi Na Nga," at "'Di Na Babalik."

Samantala, patuloy na tumutok sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA . Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Family Feud show page sa GMANetwork.com.

KILALANIN NAMAN ANG ILANG OPM HITMAKERS NA WALANG APELYIDO SA GALLERY NA ITO.