
Hindi nagtagal, muling pinag-usapan ang diumano'y kaaway at pinapatamaan ni Elle Villanueva sa kanyang Instagram Stories.
Ngayon, mas uminit ang usap-usapan dahil sa kumakalat na stolen photo ni Elle kasama sina Derrick Monasterio at ang babaeng inuugnay na ka-alitan niya.
Sa Facebook account ni Jhen Digal, ibinahagi ang larawan ni Elle na tila galit na galit sa isang babae habang pinipigilan naman ni Derrick.
“Ito na nga ang update! According to sources, si "A" 'yung kaaway based dito sa photos! Jusko ha, parinig lang to sa IG to confrontation na agad?” sulat sa caption.
Hindi naman napigilan ng fans na mag-react sa viral photo. Hinulaan din ng karamihan kung sino ang babaeng diumano'y kaaway ni Elle sa litrato.
Ilan naman sa mga nag-komento ay tinukoy ang fellow Sparkle artist na si Ashley Ortega.
Narito ang ilang reaksyon ng fans sa viral photo:
Nagsimulang pag-usapan ang isyu tungkol sa ka-alitan ni Elle nang mag-post ang aktres sa kanyang Instagram Stories na tila nagpapahiwatig ng mensahe.
“Some angels are just good at pretending,” sulat ni Elle.
Sinundan naman ni Elle ng isang devil at fire emoji ang kayang naunang Instagram Stories.
“Article 21. Any person who willfully causes loss or injury to another in a manner that is contrary to morals, good customs or public policy shall compensate the latter for the damage,” dagdag pa niya.
Hanggang ngayon, wala pang pahayag si Elle kaugnay ng kanyang mga Instagram Stories at sa kumakalat na larawan.
Mapapanood si Elle sa upcoming GMA series na Apoy sa Dugo, kasama sina Ashley, Derrick, Pinky Amador, at Ricardo Cepeda.
Abangan ang Apoy sa Dugo simula March 2 sa GMA.
Samantala, balikan dito ang mga kontrobersiya noong 2025: