GMA Logo Mark Anthony Lacerna and SB19 Stell
What's Hot

Viral promodiser na kahawig ni Stell ng SB19, masaya na nakita ang idolo

By Aimee Anoc
Published June 25, 2023 2:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

MMDA eyes uniform truck ban hours, opening of private roads to ease traffic
DOLE 7 commends driver who rescued 6 in Liloan, Cebu
Marian Rivera's new bag charm is from an Italian fashion house

Article Inside Page


Showbiz News

Mark Anthony Lacerna and SB19 Stell


Alamin ang kuwento ng nag-viral na promodiser dahil sa pagkakahawig nito sa SB19 member na si Stell dito.

Nag-viral ang promodiser na si Mark Anthony Lacerna matapos na kagiliwan ng netizens ang pagkakahawig nito sa SB19 member at The Voice Generations coach na si Stell.

Noong June 12, agad na nakatanggap ng libo-libong likes at comments ang larawan ni Mark kung saan makikita siyang naka-pose sa tabi ng groceries na dinisenyuhang watawat ng Pilipinas.

Sa Kapuso Mo, Jessica Soho, ipinakilala si Mark na isang promodiser sa supermarket sa Makati City.

"Nakiuso lang kami sa mga nakikita namin sa Facebook, na gumagawa ng mga ganung flag. Unang comment du'n may nagsabi na 'Uy si Stell 'to ah!" sabi ni Mark.

Samantala, noong nagsisimula pa lamang ang sikat na ngayong Ppop boy band na SB19, ikinuwento ni Stell na naranasan niyang makatanggap ng masasakit na salita dahil sa kanyang pisikal na kaanyuan.

"Pinakanati-trigger lang po talaga siguro ako kapag lagi nila akong inaatake when it comes to visual po. Lagi nilang sinasabi 'Paano ka napunta sa grupo na 'yan kasi ang pangit mo naman?'" kuwento ni Stell.

Ayon naman kay Mark, pinagdaanan din daw niya ito. Sabi niya, "Immune na ako riyan. 'Lampa, payatot, sinabihan ako na 'Ang pangit, pangit mo.'"

Sa ngayon, nagpapasalamat si Mark sa pagkakakumpara ng ilan sa kanya kay Stell dahil aniya kahit paano ay tumaas ang kumpyansa niya sa sarili.

"Idolo ko na talaga siya, si Stell," sabi ni Mark.

Kaya naman hindi pinalagpas ni Mark ang pagkakataon na makita nang personal ang kanyang idolo at sumama sa isang gig ng SB19.

"Ang pogi pala ng kambal ko. Kamukhang-kamukha ko talaga. Ang saya, sobrang saya," masayang reaksyon ni Mark nang makita si Stell.

Panoorin ang buong kuwento ni Mark sa Kapuso Mo, Jessica Soho sa video na ito:

MAS KILALANIN ANG SB19 SA GALLERY NA ITO: