
Humanda sa isang gabi puno ng saya at kilig dahil mapapanood sa The Boobay and Tekla Show ang matchmaking game na “Pusuan Na 'Yan.”
Sasalang sa naturang segment ang viral sensation at sexy content creator na si Lai Austria at pipiliin niya ang kanyang perfect match mula sa tatlong certified heartthrobs na sina Sparkle stars Nikki Co, Royce Cabrera, at Kimson Tan.
Bukod dito, may ilalahad na fun facts, red flags, at secret talents ang Kapuso actors sa isang masayang Q&A at dare segment.
Tiyak na mapupuno ng saya at good vibes ang Sunday night ng mga Kapuso.
Abangan ang upcoming episode ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, 10:05 p.m. sa GMA at 11:05 p.m. naman sa GTV.