GMA Logo Richo Bautista and his TikTok character as Aling Nena
What's Hot

Viral TikTok star Richo Bautista, ikinuwento ang inspirasyon ng 'Walang Ganun Mars'

By Cherry Sun
Published June 17, 2020 5:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Richo Bautista and his TikTok character as Aling Nena


Matapos mag-guest sa 'Eat Bulaga,' nagkuwento ang TikTok star na si Richo Bautista tungkol sa 'Walang Ganun Mars' sa Facebook page ng longest-running noontime show.

Ikinuwento ng viral TikTok star na si Richo Bautista ang inspirasyon ng kanyang kapit-bahay serye na 'Walang Ganun Mars.'

Muling napanood sa TV si Richo kahapon, June 16, dahil sa Eat Bulaga. Maaalalang ang una niyang Kapuso appearance ay sa kanyang panayam sa Kapuso Mo, Jessica Soho.

Isa siya sa TikTok stars na pinagpilian sa 'Bawal Judgmental' segment. Nang makilala siya ng dabarkads ay hindi napigilang ma-starstruck nina Maine Mendoza at Paolo Ballesteros na parehong nagpa-picture pa sa kanya.

Matapos ang kanyang guesting sa Eat Bulaga, ipinagpatuloy niya ang kanyang kuwento sa Facebook page ng naturang programa.

Isang public school teacher daw si Richo at libangan niya ang paggawa ng videos.

Aniya, “So nitong March nga nagkaroon ng ECQ, nagkaroon tayo ng quarantine nga po, 'yun nakaisip kami ng magandang content ng pamangkin ko. Nag-boom naman po siya, nagustuhan ng maraming tao kaya pinagpatuloy lang po namin na gumawa ng mga video with good content.”

Hindi raw inasahan ni Richo na magiging viral ang kanyang TikTok videos ngunit naisip niyang ipagpatuloy ang paggawa nito upang lalong maghatid ng good vibes.

Pag-amin niya, “Actually po 'yung kapit-bahay serye na ginawa po namin on the spot po 'yun, wala nga po kaming script. So 'yung istorya na 'yun parang nangyayari naman po sa community namin eh. Lalo na nung bata pa ako, ultimo brush ng damit, ultimo nga minsan hanger 'pag hinihiram, palanggana 'tsaka tabla na panlaba talagang pinag-aawayan.

“So ang ginawa lang po talaga namin, ginawa lang po namin na... isinabuhay po namin pero may twist na katatawanan. Mapapansin niyo po 'yung ending po talaga ng kuwento, si Aling Nena napakamalumanay pa rin kasi nga po ayaw din po niya ng gulo.

Nagbigay rin siya ng advice sa ibang content creators sa TikTok at sa mga mahihilig gumawa ng video. Panoorin ang kabuuan ng kanyang kuwento rito:

LOOK: Kapuso stars you need to follow on TikTok

IN PHOTOS: TikTok Philippines millionaires you should follow for good vibes