
Tuwang-tuwa ang mga netizen sa episode ng award-winning sitcom na Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento, kung saan bumisita si Maria (Janna Dominguez) sa opisina ni Pepito (Michael V.) sa PM Mineral Water.
Dahil nahuhumaling si Maria sa pinapanood n'yo na K-drama, gusto niya ma-experience ito kaya naman mas pinili niya mag-spend ng day off sa kumpanya ng mga Manaloto.
Umani na ng mahigit two million views ang episode highlight na ito sa Facebook at mukhang maraming K-drama fans ang nakaka-relate sa karakter ni Janna sa Kapuso sitcom.
Kayo ba mga Kapuso, tinamaan na rin ba kayo ng K-drama fever?
TINGNAN ANG ICONIC TRAITS NG PABORITO NYO NA PEPITO MANALOTO CHARACTERS: