
Nagdiwang ang avid viewers ng Little Princess matapos mapahiya si Odessa (Geneva Cruz) sa publiko sa episode ng GMA afternoon drama ngayong Biyernes, February 4.
Ito ay matapos makunan siya ng video ng isang lalaking napadaan sa labas ng kanilang mansyon na inaalipusta si Princess (Jo Berry) at ina niyang si Elise (Angelika Dela Cruz).
Mabilis ang mga pangyayari kaya naman nag-viral agad sa social media ang video ni Odessa na minamaliit ang mag-ina.
Dito rin nabulgar sa publiko na may anak sa labas ang mister niyang si Marcus (Jestoni Alarcon).
Kinuwestiyon tuloy ng press si Odessa dahil sa little person na anak ni Marcus pero itinanggi niya ang katotohanan sa harap ng media.
Ayon sa netizens, deserve ni Odessa na mag-viral online dahil sa kanyang magaspang na ugali.
Ayan trending ka na Odessa alam na ng lahat #LPSorryNotSorry
-- KB MULAWIN RosaryRuth❤️ (@RosaryRuth) February 4, 2022
KapusoBrigade@MulawinBatalion
Takot ka Odessa mawala sayo ang lahat #LPSorryNotSorry @KapusoBrigade@encabattalionkb
-- Soltera (@imeldaabsin846) February 4, 2022
Lier ka Odessa#LPSorryNotSorry
-- KB_ Enca Juvy 2 (@_juvyramos) February 4, 2022
KapusoBrigade @encabattalionkb
Lalong tumindi ang galit ni Elise sa ama ni Princess matapos mapanood ang viral video dahil hinala niya ay kasabwat si Marcus ni Odessa sa pagde-deny sa love child nila ni Elise.
Naungkat din ang pagtatago ni Princess sa baul, na akala ni Elise ay sinadya siyang ikulong ni Odessa roon.
Humingi naman ng pang-unawa si Princess sa ina. Hiling pa niya na payagan siyang ituloy ang pinagkasunduang TV commercial para sa ineendorsong brand sa ilalim ng kumpanya ng ama para malinis ang kanyang pangalan at para matigil na ang mga panghuhusga sa kanya.
Patuloy na subaybayan ang gumagandang kuwento ng Little Princess weekdays at 3:25 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang full episodes nito sa GMANetwork.com o GMA Network app.
Samantala, narito ang pasilip sa ilang cute outfits ng bidang si Jo Berry bilang CEO sa Little Princess: