
Maaga mang natapos ang kanyang The Clash journey, masuwerte na raw ang 20-year-old na si Carl Montecido, tubong Bacolod, dahil naibahagi niya ang kanyang talento sa buong mundo.
Sa pilot episode ng The Clash na ipinalabas noong September 21, humanga ang panel sa kanyang malahiganteng boses matapos awitin ang "Kahit Isang Saglit," na pinasikat ni Martin Nievera.
Aminado si Carl na nagkaroon siya ng pag-aalinlangan sa kanyang talento noon dahil sa kanyang kapansanan.
Bahagi niya, "Ipinanganak po ako na visually-impaired. Habang lumalaki po ako, may buts and ifs ako na paano ko maipagpapatuloy 'yung pangarap ko kung naging ganito 'yung paningin ko?"
Maraming dagok ang dumating sa buhay ni Carl pero nagbago ang kanyang pananaw noong nakilala niya ang Panginoon.
Sabi niya, "Siguro 'yung maibibigay ko sa kompetisyon is iaalay ko lang 'yung talento ko sa Panginoon."
Ang kanyang katunggali na si Marlon Ejeda ang itinanghal na Top of the Clash.