
Mapupuno ng kilig at good vibes ngayong Sunday night dahil tatlong lalaki ang susubukang manalo sa puso ng isang feisty but charming lady sa matchmaking game na "Pusuan Na 'Yan."
Abangan mamayang gabi ang Vivamax talent na si Chloe Jenna, a.k.a. Miss Palaban, sa The Boobay and Tekla Show.
Nais makahanap ni Chloe ng date mula sa tatlong naggagwapuhang lalaki at ito'y sina Shan Vesagas, isang social media sensation at newest Sparkle talent, hunk actor Vince Maristela, at Mister International Philippines 2024 Marvin Diamante.
Sino kaya ang pupusuan ni Chloe?
Makakasama ni Boobay ngayong Linggo ang actress-singer at comedienne na si Kakai Bautista.
Samantala, isang live performance ang hatid ng up-and-coming artists na sina John Mark Saga, Raven Heyres, at Anton Antenorcruz.
Abangan ang The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, 10:05 p.m., sa GMA, Pinoy Hits, at Kapuso Stream.