
Naging inspirasyon ng vlogger na si Rosmar Tan para magtayo ng sarili niyang paresan ang Pares Overload Queen na si Deo Balbuena o mas kilala ng marami bilang Diwata.
Sa interview sa Unang Hirit noong Miyerkules, ikinuwento ni Rosmar kung paanong sinuportahan siya ni Diwata sa ideya niya na magbukas din ng sarili niyang paresan.
Matatandaan na kamakailan lamang nang sorpresahin ni Rosmar si Diwata sa paresan nito. Ilan sa naging sorpresa ni Rosmar para kay Diwata ay container house at cash.
"Before pa man, matagal na po ako sa food business noong 2016 pa. Mayroon na po akong complete set ng pagpa-pares, mayroon akong stainless na lutuan, kumpleto may mga kaldero," kuwento ni Rosmar.
Pagpapatuloy nito, "Pero, nung sabi ko kasi ang hirap pa lang lutuin ng beef dahil ang tagal niyang lumambot. Noong nakita ko 'yung video ni Diwata na pwede pa lang karne, pwede pa lang pork tapos chicharon bulaklak.
"Nag-chat ako sa kanya, sabi ko, 'Hindi ka ba lugi roon, Momsh?' Kasi nagkakausap na kami noon. Tapos sabi niya sa akin, 'Maliit lang 'yung kinikita pero ang importante maraming nabibigyan ng trabaho.' Tapos kumikita naman daw kahit papaano."
Get to know multi-millionaire and TikTok star Rosmar
Dito na raw na-inspire si Rosmar na ituloy na ang pagbubukas niya ng sariling paresan.
"Sabi ko, 'Ay pwede pala 'yon.' Tapos tinanong ko pa s'ya, 'Momshie, ano 'yung karne na ginagamit mo? Pork talaga 'yun? Kasi naiisipan ko rin sana na mag-open din ako ng ganyan.'
"Tapos sabi niya, 'Sige, Momsh. Push!' Gumanon talaga s'ya sa sa akin. Kaya hindi ko maintindihan 'yung mga bashers na sinasabi na ginaya ko raw.
"Pero ako, aminado talaga ako na 'yung ideya ng unli-rice na may soft drink, na 'yon 'yung ginagamit na karne is na-inspire talaga ako sa kanya. Pero hindi para kompetensyahin siya," paliwanag ni Rosmar.
Panoorin ang buong interview ni Rosmar sa Unang Hirit sa video na ito:
SAMANTALA, KILALANIN ANG PARES OVERLOAD QUEEN NA SI DIWATA SA GALLERY NA ITO: