GMA Logo toni fowler
What's Hot

Vlogger Toni Fowler, lumabag sa mass gathering guidelines

By Nherz Almo
Published May 19, 2021 11:48 AM PHT
Updated May 19, 2021 12:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Impeach rumors vs Marcos ‘shapeless,’ says Adiong
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

toni fowler


Umabot sa halos 50 na tao ang dumalo sa isinagawang meet-and-greet event ni Toni Fowler para sa kanyang online business.

Natiketan ang mga dumalo sa isinagawang meet-and-greet ng vlogger na si Toni Fowler para sa kanyang online business.

Ayon sa ulat ng Unang Hirit kanina, May 19, natiketan ang mga nasa 50 taong dumalo sa naturang pagtitipon dahil sa paglabag sa health and safety protocols laban sa COVID-19.

"Nagpa-reserve po kami sa 50 na tao lang, maximum. Hindi po namin expected na dadami po yung mga tao sa labas," paliwanag ni Toni sa media.

Ayon sa Task Force Disiplina, limitado lamang sa sampung tao ang mga pagtitipon. Hindi rin nasunod ang social distancing sa lugar.

Sabi pa ni Noriel Varano ng Quezon City Task Force Disiplina, "Bawal ho talaga ngayon, lalo na yung social gathering.

"Sa ngayon, ano pa rin ho tayo sa COVID dito sa Quezon City kaya mahigpit tayo.

"So, ang ginawa naming paraan para makaalis silang lahat, pinatiketan namin silang lahat ng [paglabag sa] health protocol."

Dahil nasa ilalim pa rin ng mas pinahigpit na general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila, ipinagbabawal pa rin ang non-essential mass gathering.

Ang tanging pinahihintulutan ay ang religious gatherings, at patitipon para sa necrological services, wakes, internment, funerals, ngunit sa 10 percent capacity lamang.

Samantala, humingi na ng paumanhin si Toni at sinabing handa silang bayaran ang multang ipapataw sa kanila.

Aniya, "Gusto lang din namin mag-explain at humingi ng public apology at maging pangit na halimbawa para hindi po gayahin ng social media artists."

Panoorin ang kabuuan ng ulat dito:


Kaugnay nito, humingi rin ng paumanhin ang kapatid ni Toni na si Mari Fowler sa pamamagitan ng Facebook post.

Sabi niya, "On behalf of my sister @Mommy Oni Fowler we would like to extend our sorry to everyone regarding our event.

"We made a mistake by missing the full details of our health protocol. We stand corrected and held ourselves accountable.🏻🏻🏻"


Samantala, tingnan ang ilang YouTube couples na naging kontrobersyal ang relasyon dito: