What's on TV

Vlogger Warren Tablo, gaganap bilang batang Ed Caluag sa '#MPK'

By Marah Ruiz
Published January 9, 2020 2:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Palace on Bong Revilla: Allies won't be spared
Resolusyon aron Mabalik ang Karaang Pamaagi sa Fluvial Procession, Giduso | Balitang Bisdak
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News



Ang humor vlogger na si Warren Tablo ang napiling magbigay-buhay sa batang bersiyon ni Ed Caluag sa #MPK.

Talambuhay ni paranormal investigator Ed Caluag tampok sa upcoming episode ng real-life drama anthology na #MPK or Magpakailanman na pinamagatang 'Sa Aking mga Mata: The Ed Caluag' Story.

Mas espesyal pa ito dahil si Ed mismo ang gaganap sa kanyang sarili sa naturang episode.

Pero para sa mas batang bersiyon ni Ed, ang humor vlogger na si Warren Tablo ang napiling magbigay-buhay dito.

Ibinahagi ni Warren ang litrato niya kasama si Ed na kuha mula sa set ng upcoming #MPK episode.

Makikita ditong nakasuot din siya ng salamin at beanie na trademark look ni Ed.

Artista pa din sa 2020! ❤️ Ibang warren makikita nyo dito! next sat pa yan 😂 #BatangEd #magpakailanman

A post shared by Warren Tablo (@imwarrentablo) on


Bukod sa #MPK, nagkaroon na rin ng mga maliliit na role si Warren sa ilang Kapuso shows tulad ng Victor Magtanggol.

Abangan sila sa 'Sa Aking mga Mata: The Ed Caluag Story,' January 11 sa #MPK.




#MPK: Sa Aking Mga Mata | Teaser Ep. 366

WATCH: Ed Caluag, gaganap sa sarili niyang talambuhay sa '#MPK'