
Dalawang vloggers mula sa Dominican Republic ang gumawa ng Spanish version ng "Babaguhin ang Buong Mundo" ni Julie Anne San Jose na theme song ng hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.
Ibinahagi ng vloggers at twin sisters na sina Sol at Luna ang cover version nila ng kanta sa kanilang YouTube channel.
Si Sol mismo ang nag-translate ng awit at magkasama sila ni Luna na umawit nito.
Pakinggan ang "Sé Que Puedo Cambiar El Mundo" dito:
Hindi ito ang unang beses na tinampok nina Sol at Luna ang Maria Clara at Ibarra sa kanilang channel. Ilan na rin reaction videos sa mga epsiodes ng serye ang ibinahagi nila sa kanilang subscribers.
Patuloy na panoorin ang Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.
Maari ring mapanood ng buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.
Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.