
Binalikan ng mga tagahanga ng Bea-Dom ang vlogs ng kanilang mga iniidolo na sina Bea Alonzo at Dominic Roque.
Sa YouTube channel ni Bea, mapapanood ang latest vlog niya ay tungkol sa Japan trip nila ng kanyang former partner na si Dominic.
Sa comments section, mababasa ang iba't ibang reaksyon ng fans at viewers tungkol sa kanilang sweet moments.
IN PHOTOS: Bea Alonzo and Dominic Roque's sweetest photos
Bukod sa kanilang Japan vlog, mapapanood din sa channel ng Widows' War actress ang iba pang travel vlogs nila ni Dominic.
Noong 2023, magkasamang pumunta sina Bea at Dominic sa Italy.
Sa isa pang vlog ng Kapuso actress, ibinahagi rin niya ang unang beses na pagpunta nila noon sa Switzerland.
Nito lamang Linggo, February 11, 2024, kinumpirma na mismo nina Bea at Dominic ang kanilang hiwalayan sa pamamagitan ng post sa social media.
Matatandaan na naganap ang surprise wedding proposal ni Dominic kay Bea noong nakaraang taon.