
“O-Ber Sa Tawa, O-Ber Sa Saya” ang mapapanood ngayong Lunes sa Family Feud sa tapatan ng VMX Babes at Mister Universe Philippines 2026!
Mangunguna sa VMX Babes si Angel Castro na mas nakilala noon bilang Claire Castro sa kaniyang GMA era. Siya ay anak ng '90s teen stars na sina Diego Castro III at Raven Villanueva. Tuluyan nang nag-reinvent si Angel bilang isang premium “crush ng bayan.”
Kasama rin niya ang kapwa VMX sirens na sina Christy Imperial, isang graduating nursing student; Apple Dy, isang certified cat lover at owner ng isang feline café; at Shannon Sizon, dating beauty queen at aspiring lawyer.
PHOTO SOURCE: Family Feud
Haharap sa kanila ang Mister Universe Philippines na pinangungunahan ni Logan De Leon Culp, ang Mister Universe Philippines 2026. Kinatawan niya ang Filipino community sa Canada at bukod sa pagiging commercial model, isa rin siyang amateur boxer. Naghahanda na siyang i-represent ang Pilipinas sa world finals sa Los Angeles, California ngayong November.
Kasama sa kanyang team sina Paris Cabuco, reigning Mr. Globe International Philippines na taga-Baguio City at may degree sa tourism; Wendell Pamfilo, reigning Mr. Model International Philippines na kumatawan sa Nueva Ecija matapos manirahan ng 20 taon sa United States; at Jesus Guinto, reigning Mr. Glam International Philippines, isang Bulakenyong events host, actor, at model.
Abangan kung sino ang mananaig sa fresh episode ng Family Feud ngayong September 14, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available rin ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.