GMA Logo voltes v legacy
What's on TV

Voltes Bazooka, inaabangang sandata sa 'Voltes V: Legacy'

By Jansen Ramos
Published May 29, 2023 6:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos rejects PH label as ‘ISIS training hotspot’
EXO Chen announces Manila concert in 2026
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.

Article Inside Page


Showbiz News

voltes v legacy


Mapapanood ang iconic weapon na Voltes Bazooka sa episode ng 'Voltes V: Legacy' ngayong Lunes, May 29.

Kaabang-abang ang episode ng Voltes V: Legacy ngayong Lunes (May 29) dahil bukod sa pagpapatuloy ng laban nina Voltes at Vaizanger, makikita na rin ang isa pang iconic na sandata ni Voltes V, ang Voltes Bazooka.

Na-excite ang maraming Voltes V fans nang isinama ito sa teaser ng episode para ngayong gabi sa end credits ng episode ng programa noong Biyernes, May 26.

I-a-activate ng Voltes V team leader na si Steve ang Voltes Bazooka na mabubuo sa kanang braso ng super robot.

Magta-transform ang braso ng mecha sa isang rocket launcher weapon para mapasabog ang beast fighter na si Vaizanger.

Marami ang namangha sa "realistic visualization" ng Voltes Bazooka sa live-action adaptation ng Voltes V, tulad ng entertainment website na FNET.

Isang sorpresa naman ito para sa Voltes V fans dahil ito ang unang beses na mapapanood ang Voltes V weapon, na hindi ipinakita sa theatrical release ng serye. Patunay lang na marami pang dapat abangan sa pinag-uusapang GMA action-drama.

Kapansin-pansin din ang plakadong galaw ni Voltes V na gawa sa CGI.

Sa obserbasyon ng Facebook user na si Jan Ariel Ungab, "Voltes V CGI supremacy! Sa sobrang impressive ng last episode this week, wala akong gana gumawa ng meme!

"Napaka-satisfying ng pag-release sa weapon na 'to! Kaya pala may mga nagsasabing mas gumanda pa 'yung CGI after ni Dokugaga. Tingnan n'yo naman 'yung head movement ni Voltes V no'ng nilabas niya na 'yung Voltes Bazooka!."

Abangan ang Voltes Bazooka at ang iba pang iconic weapons ni Voltes V sa Voltes V: Legacy Lunes hanggang Biyernes, alas otso ng gabi sa GMA Telebabad, GTV, I Heart Movies, at Pinoy Hits.

Maaari rin itong mapanood online kasabay ng pag-ere sa TV via Kapuso Stream.

Magiging available naman ang full episodes at episodic highlights ng Voltes V: Legacy sa GMANetwork.com at sa iba pang GMA owned and operated online platforms.

KILALANIN SI VAIZANGER SA GALLERY NA ITO: