What's Hot

'Voltes V' at 'Daimos,' magbabalik sa GMA ngayong 2016!

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 5, 2020 10:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ilang celebrities, nasimula nang mag-rehearse para sa "Kapuso Countdown to 2026"
Alleged female rebel nabbed for rebellion, crimes against humanity
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



Dahil Bagong Taon, may mga paboritong animes na magbabalik sa Astig Authority!


Dahil Bagong Taon, may mga paboritong animes na magbabalik sa Astig Authority!

Ang iconic na mecha anime na Voltes V ay muling mapapanood sa GMA. Balikan ang pagtatanggol ng mga Armstrong brothers na sina Steve, Big Bert at Little John, kasama sina Mark Gordon at Jamie Robinson, sa planetang Earth laban sa mga mananakop na Boazanians pati na ang paghahanap nila sa kanilang nawawalang ama.

Magbabalik din ang isa pa sa kinagiliwang mecha anime noon, ang Daimos. Muling tunghayan ang pag-iibigan nina Richard Hartford at Erika sa gitna ng digmaan ng kani-kanilang mga planeta.

Bibigyang-boses pa ng mga pinakamaningning na Kapuso stars ngayon ang dalawang animes na ito.

Magbabalik din ang mga animes na hango sa mga popular na video games kagaya ng Virtua Fighter at Sonic X.

Abangan ang lahat ng mga iyan ngayong 2016 sa mas pinalakas at nag-iisang GMA Astig Authority!