
Patuloy na mas kapana-panabik ang mga tagpo sa pinag-uusapang action-drama sa gabi na Voltes V: Legacy.
Sa nakaraang linggo ng groundbreaking GMA series, ilang kabataan ang sumabak sa isang matinding training para sanayin ang kanilang pisikal na kakayahan para sa isang mahalagang misyon.
Ilan dito ay ang Armstrong brothers na sina Steve (Miguel Tanfelix) at Big Bert (Matt Lozano) na anak nina Dr. Mary Ann (Carla Abellana) at Dr. Ned Armstrong (Dennis Trillo), na unang nagbabala tungkol sa pagsakalay ng mga alien sa planeta ng mga tao. Si Steve ay sinanay sa pagmomotor samantalang si Big Bert ay maalam sa pag-aarnis.
Bukod sa kanilang kakayahan, mayroon din silang kakaibang lakas dahil hindi sila tinatablan ng bala ng baril dahil sa genes ng kanilang amang si Ned, na isang humanoid alien mula Boazan.
Kabilang din sa trainees ang anak ni Commander Robinson, kumander ng international defense force ng planetang Earth, na si Jamie, isang ninja na magaling pagdating sa mixed martial arts, at si Mark Gordon (Radson Flores), ang binatang mahusay sa pangangabayo.
Dahil sa mga biglaang pambobomba ng Boazanians sa iba't ibang parte ng mundo, naalarma ang Camp Big Falcon, ang headquarters ng international defense force ng Earth, at naatasan sina Steve, Mark, Big Bert, at Jamie na sumakay na sa volt machines.
Kulang sila ng isa kaya, masakit man sa damdamin ni Mary Ann, isinabak niya sa gyera ang kanyang bunsong anak na si Little Jon, na noon pa man ay may interes sumali sa mga pagsasanay ng kanyang mga kapatid.
Sina Steve, Mark, Big Bert, Jamie, at Little Jon ang ipinadala ng Camp Big Falcon para labanan ang Boazanian invaders sa pamumuno ng prinsipe ng Boazan Star Empire na si Zardoz (Martin Del Rosario).
Sila ang itinuturing na last line of defense ng Earth.
Patuloy na subaybayan ang Voltes V: Legacy mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 ng gabi sa GMA Telebabad, GTV, I Heart Movies, at Pinoy Hits.
Maaari rin itong mapanood online kasabay ng pag-ere sa TV via Kapuso Stream.
Magiging available naman ang full episodes at episodic highlights ng Voltes V: Legacy sa GMANetwork.com at sa iba pang GMA owned and operated online platforms.
KILALANIN ANG ANG UNANG BEASTFIGHTER NA KAKALABANIN NG VOLTES V SA GALLERY NA ITO: