
Mga Kapuso! The long wait is finally almost over dahil makikilala n'yo na ang bubuo ng cast ng pinakaaabangang Voltes V: Legacy!
Noong Biyernes, February 5, inanunsyo na ng GMA Network na makikilala na ang mga aktor na gaganap bilang sina Steve, Big Bert, Little Jon Armstrong at ang mga kaibigan nilang sina Jamie Robinson at Mark Gordon simula ngayong Lunes, February 8 sa 24 Oras!
“Get ready to meet the official #VoltesVLegacy cast!” ani sa caption.
“Abangan sila simula Lunes, February 8 sa 24 Oras. #V5LegacyCastRevealFEB8”
Umani ng excitement ang teaser poster ng Voltes V: Legacy mula sa fans.
Marami ang nagsasabing gusto na nilang makilala ang mga aktor na magbibigay buhay sa mga karakter na kanilang minahal noong sila'y bata pa lamang.
Bitiw ng isa, “Gusto ko ang ginagawang promotion ng series na 'to! Good job, GMA!”
Kumento naman ng isang netizen, “Lezz go bois! Nakaka-excite naman ito!”
Ani ng isang fan, “Nakaka-excite naman ito!”
Ganito rin ang pasilip ni Direk Mark Reyes sa kanyang Instagram account noong Biyernes kung saan ibinahagi n'ya ang ilang clips ng big reveal simula ngayong lunes.
Noong Enero, ikinatuwa ng netizens ang action-packed teaser trailer ng live-action adaptation ng popular Japanese anime na napanood sa telebisyon at iba't ibang social media sites.
Dito nakita ang Voltes V team na nilalabanan ang evil Boazanian beast fighters na planong sakupin ang planetang Earth.
Ipinasilip din sa 1-minute trailer ang aktor na gaganap bilang Steve Armstrong na isinigaw ang iconic line na “Let's volt in!”
Muling silipin ang trailer nito:
Sino-sino kaya ang bubuo ng Voltes V team? Abangan 'yan simula mamaya, February 8, sa 24 Oras.