What's on TV

'Voltes V: Legacy' cast, naging emosyonal nang mapanood ang first episode at mega trailer ng programa

By Jansen Ramos
Published December 22, 2022 12:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

voltes v legacy cast


Mapapanood ang 'Voltes V: Legacy' sa second quarter ng 2023, ayon sa direktor nitong si Mark Reyes.

Nagkaroon ng exclusive preview noong Martes, December 20, ang inaabangang Voltes V: Legacy para sa first episode at mega trailer nito na ilalabas ngayong Disyembre.

Dinaluhan ito ng lead cast ng programa na sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Radson Flores, Matt Lozano, at Raphael Landicho, at direktor nilang si Mark Reyes.

Present din sa special preview ang iba pang cast members ng Voltes V: Legacy na sina Epy Quizon, Liezel Lopez, Carlo Gonzalez, Angela Alarcon, Jamir Zabarte, at Sophia Senoron.

Nagbigay naman ng suporta ang ilang GMA executives na sina SVP for Entertainment Group Lilybeth Rasonable, First Vice President and Head of the Post Production Department Paul Hendrik Ticzon, GMA Entertainment Group VP for Drama Cheryl Ching-Sy, at AVP for Drama Helen Rose Sese.

Tulad ng milyun-milyong Kapuso, lalo na mga batang '80s, sabik silang makita kung paano magiging makatotohanan ang paggamit ng ultramagnetic top, laser sword, at, siyempre, ang pag-volt in nina Steve, Mark, Big Bert, Little Jon, at Jamie sa maaksyong sagupaan sa Voltes V: Legacy.

Ani Raphael na gaganap bilang Little Jon, "I feel proud of myself po. Unexpected po 'yung nakita ko kasi after po ng paghihirap namin sa taping, 'yun naman po pala 'yung kalalabasan. Very worth it po."

Bukod sa child actor, naging emosyonal din ang iba pang nakapanood ng pinakahihintay nilang bunga ng kanilang mga pinaghirapan para sa proyekto, gaya na lang ni Ysabel Ortega na lalabas bilang Jamie Robinson sa Voltes V: Legacy.

Bahagi niya, "Honestly, 'yung umpisa pa lang, 'yung skull ship, talagang sobrang nakaka-emotional talaga kasi we've been working so hard on this project for so long. So seeing 'yung first ep, seeing 'yung preview na napakita sa 'min with the scoring and everything, talagang sobrang maiiyak ka talaga."

Maging ang certified anime fans, napahanga sa napanood nila. Maipagmamalaki talaga nila ang itinuturing na isa sa mga malalaking proyekto ng Kapuso network.

Ayon kay "Big Bert" Matt Lozano. "Sobrang lala no'ng attention to detail. Alam mo 'pag nakita mo, talagang pinag-isipan [ang] bawat eksena so I'm speechless."

Big break naman ito para kay Radson Flores na nasungkit ang role na Mark Gordon.

"I feel very blessed and lucky, at the same time, kasi isipin n'yo po kakapasok ko lang ng showbiz noong 2019 after no'ng StarStruck, nakuha ko na po agad 'yung Voltes V and napili po ako agad ng GMA."

Bilang itinuturing na lider ng Voltes V team, masaya si Miguel Tanfelix na nakita na niya finally ang kanyang sarili at ang co-stars niya sa screen para sa inaabangang serye.

"Sa lahat ng cast na napanood namin, bawat labas nila, chine-cheer namin kasi ang tagal naming [hindi] nakita kung ano 'yung mga hitsura ng sarili namin sa screen, anong hitsura namin sa character namin sa Voltes V. So no'ng nakita namin, lahat kami tuwang-tuwa."

Mapapanood ang Voltes V: Legacy sa second quarter ng 2023, ayon kay Direk Mark.

Panoorin sa video sa itaas ang buong panayam sa 'Chika Minute' report ni Nelson Canlas sa 24 Oras.

Ang Voltes V: Legacy ay mula sa produksyon ng GMA Entertainment Group, sa ilalim ng panulat ni Suzette Doctolero.

Lahat ng mga materyal na gagamitin para sa programa ay inaprubahan ng TOEI Company at ng licensing agent nito sa Pilipinas na Telesuccess Productions, Inc.

NARITO ANG IBANG ARTISTANG MAPAPANOOD SA VOLTES V: LEGACY: