
Bago matapos ang taon, may pasabog na dapat abangan sa 'Kapuso Countdown to 2023 Gayo Daejeon dahil ilalabas na ang mega trailer ng inaabangang Voltes V: Legacy.
Matagal na ring inaabangan ng mga manonood ang Voltes V: Legacy, ang live-action adaptation ng Japanese anime television series na Shodenji Machine Voltes V, o mas kilala sa Pilipinas bilang Voltes V.
"Looking forward to this....sana ito na yung key para magbago ung tingin ng karamihan (Including me) sa quality ng series sa Philippines. From CGi, to Story line, script, and fighting scene," saad ng isang netizen sa Facebook.
Dagdag naman ng isa pa, "OMG!! My heart is beating right now. I'm so excited to see the Ultramagnetic Mega Trailer of Voltes V Legacy. Can't wait to see it. Let's volt in!!"
Hindi pa man napapanood, marami na rin ang nag-congratulate sa GMA Network, at sa bumubuo ng Voltes V: Legacy, sa pangunguna ng direktor nitong si Mark Reyes.
Pangungunahan nina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega ang Voltes V: Legacy bilang sina Steve Armstrong at Jamie Robinson. Makakasama rin nila sina Radson Flores bilang Mark Gordon, Matt Lozano bilang Robert "Big Bert" Armstrong, at Raphael Landicho bilang Little Jon Armstrong.
Gagampanan naman nina Martin Del Rosario, Liezel Lopez, Epy Quizon, at Carlo Gonzalez ang makakalaban ng Voltes V na sina Prince Zardoz, Zandra, Zuhl, at Draco.
Mapapanood ang mega trailer ng Voltes V: Legacy sa Kapuso Countdown to 2023 Gayo Daejeon ngayong gabi sa GMA, GTV, I Heart Movies, Hallypop, at Heart of Asia!
BUKOD SA MGA NAUNANG NABANGGIT, KILALANIN PA ANG IBANG MGA KARAKTER SA VOLTES V: LEGACY DITO: