GMA Logo Raphael Landicho
Celebrity Life

'Voltes V: Legacy' star Raphael Landicho receives green merit card award in school

By Cara Emmeline Garcia
Published March 29, 2021 4:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Raphael Landicho


We're so proud of you, Raphael! Keep it up!

Talaga namang ika-kaproud ng mga magulang ni Voltes V: Legacy star Reaphael Landicho ang kanilang anak pagkatapos parangalan ito ng kanyang eskwelahan ng Green Merit Card Award ngayong third quarter ng school year 2020-2021.

Sa Facebook post ng Manila Cathedral School isinaad na si Raphael ang isa sa mga nag-uwi ng gantimpala at sinabing ang mga estudyanteng may average na 95% and above lamang ang nakakatanggap nito.

Manila Cathedral School

Manila Cathedral School

Source: Manila Cathedral School

Noong nakaraang taon, ikinuwento ni Raphael ang kanyang experience sa pago-online class simula nang i-anunsyo ang enhanced community quarantine sa bansa.

Sa kanyang vlog, isinalaysay ng child actor kung gaano siya ka-excited makilala ang kanyang mga classmates at teacher sa eskwelahan.

Dagdag pa niya, “Mababait nga po 'yung classmates at bagong teacher ko!”

Isa si Raphael sa mga kumpirmadong aktor na gaganap sa Voltes V: Legacy series bilang si Little Jon Armstrong.

Makakasama n'ya sa Voltes V team sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Radson Flores, at Matt Lozano.

Ang Voltes V: Legacy ay idederehe ni Direk Mark A. Reyes at isinulat ni Suzette Doctolero.

Ang lahat ng materyal na ipapalabas ng GMA Network ay inaprubahan ng Toei Company, Ltd. at Telesuccess Productions Inc.

Alamin ang confirmed cast sa gallery na ito: