GMA Logo voltes v legacy
What's on TV

'Voltes V: Legacy' stars, bumisita sa Japan Fiesta 2023

By Marah Ruiz
Published February 18, 2023 4:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

900 families affected by Mayon unrest in Albay receive aid from GMA Kapuso Foundation
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

voltes v legacy


Dumalo ang cast ng 'Voltes V: Legacy' sa Japan Fiesta 2023, isang selebrasyon ng pagkakaibigan ng Pilipinas at Japan.

Kasama ang cast ng upcoming series na Voltes V: Legacy sa mga panauhin ng Japan Fiesta 2023.

Idinadaos ito sa Glorietta Activity Center mula Februry 18 hanggang February 19 bilang selebrasyon ng pagkakaibigan ng Pilipinas at Japan.

Kabilang sina Voltes V: Legacy stars Liezel Lopez, Sophia Senoron, Crystal Paras at Martin Del Rosario sa mga performers sa event.

Nakilala pa nila si H.E. Kazuhiko Koshikawa, Ambassador of Japan to the Republic of the Philippines.

Bukod sa cast ng Voltes V: Legacy, naroon din para mag-perform ang idol group MNL48, Filipino-Japanese group na R RULES at iba pang Japanese cultural performers.

Talagang very busy ang cast ng Voltes V: Legacy dahil nakatakda na rin silang bumalik sa taping para makumpleto na ang ilang pang eksena para sa much-awaited na serye.

Pero bago muna noon, bumista naman sa Zamboanga ang lead stars nitong sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Radson Flores, Matt Lozano at Raphael Landicho.

Samantala, ayon naman sa direktor nitong si Mark Reyes, magpi-premier ang Voltes V: Legacy sa mga sinehan bago pa man ito mapanood sa telebisyon.

"Voltes V: Legacy will be presented in full 5.1 surround sound cinematic excperience. Bago mag-umpisa 'yung series, you can get to see Voltes V in all his height, the big fights and the Beast Fighter, the epic skull ship in cinematic form," lahad ni direk Mark.

Nakatakdang mapapanood ang Voltes V: Legacy ngayong 2023 sa GMA Telebabad.

Ito ay isang produksyon ng GMA Entertainment Group, sa ilalim ng panulat ni Suzette Doctolero.

Lahat ng mga materyal na gagamitin para sa programa ay inaprubahan ng TOEI Co. Ltd. at ng licensing agent nito sa Pilipinas na Telesuccess Productions, Inc.

SAMANTALA, SILIPIN MGA ARTISTANG BAHAGI NG VOLTES V: LEGACY DITO: