GMA Logo Voltes V Legacy
What's on TV

'Voltes V: Legacy' stars, nakisaya sa mga taga-Negros Occidental

By Jansen Ramos
Published June 14, 2023 5:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

ASF detected in 284 dead pigs in Basilan
A year into flood control mess, 45 individuals, 2 top contracting firms charged
Ate, walang patawad kung manlait kay bunso | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Voltes V Legacy


Damang-dama ang 'Voltes V: Legacy' fever sa Bacolod City, Silay City, at Toboso, Negros Occidental.

Nagkaroon ng Voltes V: Legacy invasion sa Negros Occidental nang mag-show ang cast ng pinag-uusapang action-packed drama nitong long weekend na inorganisa ng GMA Regional TV.

Tampok sa Kapuso Barangayan sina Miguel Tanfelix, Radson Flores, Martin Del Rosario, at Liezel Lopez sa Bacolod City at nakisaya rin sa pagdiriwang ng 66th Silay Charter Day Anniversary na ginanap noong Lunes, June 12, sa Silay City.

A post shared by GMA Regional TV (@gmaregionaltv)


Hindi rin pinalampas nina Miguel, Radson, at Martin kasama ang Hearts on Ice s️tars na sina Ashley Ortega at Roxie na makapagbigay-saya sa kanilang fans sa Toboso Fiesta 2023 kahapon, June 13, kahit pa maulan ang panahon.

A post shared by GMA Regional TV (@gmaregionaltv)

NARITO ANG IBA PANG LARAWAN MULA SA KANILANG REGIONAL TOUR SA NEGROS OCCIDENTAL:

Subaybayan ang lalong gumagandang kwento ng Voltes V: Legacy Lunes hanggang Biyernes, alas otso ng gabi sa GMA Telebabad, GTV, I Heart Movies, at Pinoy Hits.

Maaari rin itong mapanood online kasabay ng pag-ere sa TV via Kapuso Stream.

Magiging available naman ang full episodes at episodic highlights ng Voltes V: Legacy sa GMANetwork.com at sa iba pang GMA owned and operated online platforms.