
Curious ang mga manonood ng Voltes V: Legacy kung sino o sino-sino ang mga espiya na ipinadala ni Prinsipe Zardoz (Martin Del Rosario) sa mundo ng mga tao sa pinag-uusapang GMA Telebabad series.
Noong nakaraang linggo, inamin ni Zardoz sa kanyang personal na tagapagsilbi na si Zandra (Liezel Lopez) na bumuo siya ng plano para malaman kung sino ang kumokontrol sa limang sasakyan ng Voltes V.
Nagpadala siya ng espiya para magmasid sa Terra Ertu na hindi pa nabubunyag kung sino sa palabas, bagay na nakadagdag sa excitement ng viewers.
Dahil dito, may haka-haka ang netizens kung sino-sino ang posibleng traydor sa Earth.
Nangibabaw ang mga pangalan nina Eva (Elle Villanueva), Apable (Migs Villasis), at Judy (Crystal Paras) bilang mga Boazanian spies.
Noon pa man, may tampo na si Eva kay Dr. Smith (Albert Martinez) dahil hindi siya napasama sa Voltes V. Naisipan din niyang umalis sa kampo nang makipag-break siya sa Voltes V team leader na si Steve (Miguel Tanfelix).
Si Apable naman ay isang sundalo sa Camp Big Falcon. Sa training pa lang, pansin na ang galit niya kay Steve dahil sa pagiging privileged nito sa kampo.
Samantala, nahulog na agad ang damdamin ni Big Bert (Matt Lozano) sa waitress na si Judy kahit kakikilala lang niya rito.
Sa palagay ng tagasubaybay ng Voltes V: Legacy na si Marianne Almeida, "Para sa akin silang tatlo ang SPY. Dahil pare pareho silang may konek sa VOLTES TEAM."
Sa tatlo, pinakamatunog ang pangalan ni Judy. Napansin ng mga mapagmatyag na netizens ang appearance ni Crystal Paras, na gumaganap na Judy, bilang isang aliping walang sungay sa Boazania sa previous episode ng Voltes V: Legacy.
Base sa end credits, dalawang character ang ginagampanan ni Crystal: Judy at Judalah. Ang Judalah ang posibleng pangalan ni Judy sa Boazan, ayon sa teorya ng netizens.
"Hmmm... I dunno about you guys, but I REALLY think Judy is the Boazanian spy in the series... I knew I saw her somewhere before, and I finally managed to find out where exactly; in Boazan. What do you guys think?," obserbasyon ng Facebook user na may handle na powerplayware.
Samantala, sa pag-aanalisa naman ni Hikaru Ichijo, tila may malaking papel ang babaeng kasama ni Judalah na si Amira (Kyle Ocampo) na napanood sa episode seven (May 16) ng Voltes V: Legacy, na pinaghihinalaang bangkay na nasa poder ng mga Boazanian matapos maging hostage ni Zardoz.
Hindi pa man din nare-reveal kung sino ang espiya, marami na ang nagpahayag ng kanilang excitement sa interesting story twists sa Voltes V: Legacy.
Subaybayan ang lalong gumagandang kwento ng Voltes V: Legacy Lunes hanggang Biyernes, alas otso ng gabi sa GMA Telebabad, GTV, I Heart Movies, at Pinoy Hits.
Maaari rin itong mapanood online kasabay ng pag-ere sa TV via Kapuso Stream.
Magiging available naman ang full episodes at episodic highlights ng Voltes V: Legacy sa GMANetwork.com at sa iba pang GMA owned and operated online platforms.
SAMANTALA, BALIKAN ANG EMOSYONAL NA LABAN NINA VOLTES AT VAIZANGER SA GALLERY NA ITO: