
Nangyari na ang kinatatakutan ng Camp Big Falcon sa pinag-uusapang action-packed drama sa gabi na Voltes V: Legacy.
Sa nakaraang episode ng serye (June 30), sa kabila ng mahigpit na seguridad sa kampo, nakatungtong na roon si Zardoz (Martin Del Rosario), ang pinuno ng Boazan Najmi Imperium na may kagagawan ng matinding pag-atake sa Earth.
Ito ay matapos siyang tulungan ni Little Jon (Raphael Landicho) nang maanod ito sa dalampasigan.
Malayo sa kanyang humanoid alien features gaya ng pagkakaroon ng sungay, tila isang normal na tao si Zardoz na nagpakilalang Manuel.
Nagkunwari si Zardoz na taga Iba, Zambales at sinabing inanod siya sa pampang dahil sa isang malaking alon.
Dahil sa maingat na seguridad sa Camp Big Falcon, may mga eksaminasyong kailangang isagawa kay Zardoz para malaman kung siya ba ay kalaban o hindi.
Mahuli kaya ang kanyang pagpapanggap?
Iyan ang dapat subaybayan sa Voltes V: Legacy, weeknights, 8:00 p.m., sa GMA Telebabad, GTV, I Heart Movies, at Pinoy Hits.
Maaari rin itong mapanood online kasabay ng pag-ere sa TV via Kapuso Stream.
Magiging available naman ang full episodes at episodic highlights ng Voltes V: Legacy sa GMANetwork.com at sa iba pang GMA owned and operated online platforms.
Para naman sa mga Kapuso abroad, bisitahin ang gmapinoytv.com/subscribe para malaman kung paano mapapanood ang programa overseas.
SAMANTALA, NARITO ANG IBA PANG MGA LARAWAN NI ZARDOZ NA TILA GUMAGALA SA TERRA ERTHU.