
Pasok sa grand finals si The Clash 2025 runner-up Arabelle dela Cruz sa kauna-unahan niyang international singing competition, ang Veiled Cup Korea.
Mula sa pagiging first runner-up sa dalawang nakaraang seasons ng The Clash at pagiging member ng All-Out Sundays' Queendom, dala ngayon ni Arabelle ang pangalan ng Pilipinas bilang isa sa limang grand finalists ng Veiled Cup Korea, isang singing contest kung saan ang mga kalahok ay kakanta sa likod ng isang veil.
Kuwento ni Arabelle, "During 'yung tally ng judges 'yung sa trio namin, hindi na ako masyado nag-expect kasi may kasama akong Korean na magaling din talagang kumanta, tapos 'yung isa pa na taga-Laos na unique rin 'yung voice. Sinabi na lang ng interpreter namin na 'Okay, how do you feel that you're going to the final round?'
Dagdag niya, unang beses niya pa lang ito na sumabak sa isang international competition. "Nakakatuwa kasi first international competition tapos umabot pa ako ng finals so very fortunate, very lucky ako."
Ayon kay Arabelle, isa sa mga inihanda niyang kanta for Veiled Cup ay napili para i-perform niya. 'Yung top one ko na nasa isip ko sa list ng songs ko, 'yun 'yung na-approve na kantahin ko. Dasal ko talaga na 'yun ang kantahin ko kasi hindi lang siya bastang power na kanta, nakaka-relate ako sa song na parang fit siyang ilaban ko sa competition."
Makakadagdag daw ang online votes sa kanyang overall score, 10 percent mula sa Spotify at 20 percent via LINC app.
Here's how to vote for Arabelle dela Cruz:
STEP 1: Bumoto sa Spotify
Buksan ang Spotify app at i-search ang Veiled Cup playlist
Hanapin ang voting section sa loob ng playlist.
Piliin ang kantang "Wake Up" ni Laguna Diva (Arabelle Dela Cruz).
l-submit ang iyong boto. Tandaan: Mayroon kang hanggang tatlong (3) boto bawat araw sa Spotify.
STEP 2: I-download ang LINC App
Pumunta sa Google Play Store LinC (Android) o App Store (iOS).
l-search at i-download ang LINC app.
Gumawa ng account gamit ang iyong email o social media accounts.
STEP 3: Mag-ipon ng Fan Points
Kailangan ng 20 Fan Points para sa bawat isang (1) boto.
Para makakuha ng points nang libre, manood lamang ng ads sa loob ng app.
Siguraduhing sapat ang iyong points bago bumoto.
STEP 4: Hanapin ang Veiled Cup sa App
Sa loob ng LINC App, i-search ang Veiled Cup.
Hanapin ang profile ni Laguna Diva (Arabelle Dela Cruz). l-click ang vote button gamit ang iyong naipong points.