
May bagong poll ang GMANetwork.com tungkol sa Nation's Son at Second Big Placer ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition na si Will Ashley.
Related gallery: Will Ashley's transformation over the years
Sa poll na ito, nakalista ang pangalan ng apat na aktres na naging katrabaho na noon ni Will sa iba't-ibang palabas.
Dito ay malayang makakapili ang fans at netizens kung sino ang gusto nilang maging co-star o makatambal ulit ng Sparkle actor sa kaniyang next projects.
Kabilang sa choices ang Kapuso actresses at fellow Sparkle stars ni Will na sina AZ Martinez, Sofia Pablo, at Jillian Ward.
Nasa listahan din si Bianca De Vera, ang former leading lady ng Kapuso actor sa GMA at ABS-CBN collab series na Unbreak My Heart.
Sagutan ang poll tungkol sa former co-stars ni Will Ashley sa ibaba:
Samantala, nakilala si Will sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition bilang Mama's Dreambae ng Cavite at kalaunan ay binansagan ng Pinoy viewers na Nation's Son.
Sa Big Night ng programa, itinanghal na Second Big Placer si Will at ang kanyang final duo na si Ralph De Leon.
RELATED GALLERY: THESE EX-PBB CELEBRITY COLLAB EDITION HOUSEMATES ARE FRIENDSHIP GOALS