
Hindi lang nagpasaya kundi nagpaiyak din sa kanilang bagong performance sina VXON Patrick at Joshua Decena sa ikaapat na linggo ng Stars on the Floor.
Bumenta sa puso ng dance authorities ang emosyonal na interpretative dance nina Patrick at Joshua, kaya naman ay hinirang sila bilang 4th top dance star duo noong Sabado, July 26.
Ang nakalaban nina Patrick at Joshua sa dance showdown ay sina Glaiza De Castro at Kakai Almeda.
Sa Instagram post ni Patrick, ibinahagi nito na "proud" at "grateful" ito sa kanilang pagkapanalo. Humanga at nagpasalamat din ito sa husay ng kaniyang ka-duo na si Joshua at kay Coach Angel.
"Salamat sa pag-guide sa akin and sa napaka hands on namin na coach and the mind of this choreo," sabi nito.
Noong ikatlong linggo, itinanghal na 3rd top dance star duo sina Thea Astley at Dasuri Choi para sa kanilang nakakaantig na contemporary dance.
Tutukan ang mas pasabog pang performances sa Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.
Panoorin dito ang full performance nina Patrick at Joshua:
Samantala, mas kilalanin dito si VXON Patrick: