GMA Logo VXON Patrick and Kakai Almeda
Photo source: patrickrocamora_ (IG)
What's on TV

VXON Patrick at Kakai Almeda, nakahanap ng pamilya sa 'Stars on the Floor'

By Karen Juliane Crucillo
Published October 17, 2025 12:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

GMA Kapuso Foundation constructs bridge in Rodriguez, Rizal
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust
Michelle Dee celebrates the holidays with a designer bag

Article Inside Page


Showbiz News

VXON Patrick and Kakai Almeda


VXON Patrick at Kakai Almeda sa nalalapit na finale ng 'Stars on the Floor': “Win or lose, parang family pa rin kaming lahat.”

Sa nalalapit na finale ng Stars on the Floor, hindi napigilan nina VXON Patrick at Kakai Almeda ang maging emosyonal sa matibay na samahang nabuo nila kasama ang iba pang dance star duos.

Sa exclusive interview ng GMA Network.com, ibinahagi ng The Gen Z Dance Idols na may halong lungkot ang natitirang mga araw bago ang finale dahil mami-miss nila ang kanilang samahan sa programa.

“Sobrang nakaka-sad lang. Siguro mase-sepanx ako kasi grabe 'yung off cam namin, kung paano kami mag-bonding,” ikinuwento ni Patrick.

Busy man ang bawat isa sa paghahanda para sa finale, kitang-kita ni Kakai ang pagmamahal ng bawat dance star duo sa isa't isa, at tila hindi nila naramdaman na sila ay magkakalaban.

“Alam mo, parang everyone is competitive pero sobrang supportive kami sa isa't isa. Win or lose, parang family pa rin kaming lahat,” pahayag niya.

Ibinahagi rin ni Kakai na ang Stars on the Floor ang programang pinakamalapit sa kanyang puso.

Aniya, “Sa lahat ng show na napuntahan ko, ito 'yung pinakagrabe 'yung tama sa puso ko talaga na parang, grabe talaga 'yung dedication ng lahat tapos 'yung tulungan namin kapag may nai-injure, parang nagsusuportahan na lang talaga kami.”

Hindi rin maipaliwanag ng digital dance star kung paano sila nagkaroon ng matibay na samahan dahil sila ay magkakaiba ng ugali.

“Alam mo 'yun, hindi namin alam kung paano kami naging together dahil sobrang magkakaiba kami pero ayun 'yung struggles namin, 'yung mga pinagdaanan namin, 'yung nag-build sa amin para maging close sa isa't isa,” paliwanag niya.

Abangan ang pasabog na performance nina Patrick at Kakai sa finale ng Stars on the Floor ngayong Sabado, 7:15 p.m. sa GMA!

Samantala, kilalanin dito ang digital dance star na si Kakai Almeda: