
Maliban sa mga maaangas na hatawan, nagbigay din ng kilig ang dance stars sa Stars on the Floor nitong Sabado, June 28.
Naging sentro ng kilig ang performance nina VXON Patrick at Kakai Almeda na mayroong sariling take sa "Marilag" ni Dionela.
Hindi napigilan ng fans na mag-comment sa Facebook page ng naturang dance show para iparating ang kanilang tuwa at kilig kina Patrick at Kakai.
Pati ang dance authorities na sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, Dance Comedienne of the Dance Floor Pokwang, at Dance Trend Coach Jay kasama ang host na si Asia's Multimedia Star at Box Office King Alden Richards ay napansin ang kanilang umaapaw na chemistry.
Sa isang online exclusive, inamin din ng kanilang choreographer na si Coach Airon Jazz na fan na ito ng dalawa na binansagan niya ang tambalan nito na "PatKai." Kinilig din daw ito mula sa rehearsal at hanggang sa live performance nila on stage.
Narito ang ilan sa mga reaksyon ng netizens at fans nina Patrick at Kakai:
Sina Patrick at Kakai ang pinakaunang magka-duo na nagpamalas ng kilig sa dance floor ng Stars on the Floor.
Kasama ni Patrick sa celebrity dance stars sina Glaiza De Castro, Rodjun Cruz, Thea Astley, at Faith Da Silva. Samantala, kasama naman ni Kakai sa digital dance stars sina Dasuri Choi, Zeus Collins, Joshua Decena, at JM Yrreverre.
Linggo-linggo magkakaroon ng bagong dance partners ang bawat celebrity at digital dance stars.
Huwag magpahuli sa mga susunod na pasabog ng naturang dance show. Patuloy na tutukan ang Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.
Balikan dito ang highlights ng world premiere ng Stars on the Floor: