GMA Logo VXON Patrick
Photo source: patrickrocamora_ (IG)
What's on TV

VXON Patrick, emosyonal na nagpasalamat sa 'Stars on the Floor' matapos hindi makapag-perform sa finale

By Karen Juliane Crucillo
Published October 20, 2025 10:05 AM PHT

Around GMA

Around GMA

GMA Kapuso Foundation constructs bridge in Rodriguez, Rizal
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust
Michelle Dee celebrates the holidays with a designer bag

Article Inside Page


Showbiz News

VXON Patrick


Taos-pusong nagpasalamat si VXON Patrick sa 'Stars on the Floor' family sa pag-alalay sa kanya sa gitna ng kanyang injury.

Sa gitna ng excitement sa finale ng Stars on the Floor noong Sabado, October 18, emosyonal na hindi nakapag-perform si VXON Patrick dahil sa kanyang injury.

Sa Instagram, binati ng P-pop idol ng congratulations ang kinilalang ultimate dance star duo na sina Rodjun Cruz at Dasuri Choi. Nagpasalamat din ito sa lahat ng bumubuo ng programa sa pagaalaga sa kanya noong siya ay nagkaroon ng injury.

“Congratulations Kuya @rodjuncruz and Ate @dasurichoi_ ! Grabe na kayo nakaka-proud, sobrang deserve niyo manalo. Outing na? haha sa lahat ng star duos, congratulations sa atin lahat mahal na mahal ko kayo,” isinulat ng dancer.

“Gusto ko din magpasalamat sa buong staff ng SOTF kung paano nila ako inalagaan sa lahat ng ito. They gave me all the help possible- meron kaming doctor, therapist and life coaches alongside to make sure na okay ako, na-appreciate ko every bosses nag-check sa akin,” sabi ni Patrick.

Ibinahagi ni Patrick na naramdaman niya ang pagmamahal at pag-aalala ng dance stars noong finale, pati na rin ng kanilang head choreographer na si Coach MJ Arda, dance authorities, lalo na ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera at ang host na si Alden Richards.

Hindi rin nakalimutan ni Patrick na pasalamatan ang kanyang ka-duo na si Kakai Almeda at ang kanilang finale coach na si Coach El-John Macalatan.

“Best team kayo, kitang kita ko yung bigat ng situation pero lagi nila pinaparamdam sa akin na okay lang, na mas importante yung health kahit alam ko na sobrang hirap ng adjustment and wala na chance manalo,” pahayag niya.

Dagdag pa ng dance star, “Gusto ko mag-sorry kung na-disappoint ko kayo, hindi ko ine-expect na bakit kung kelan finale, dun pa nangyari 'to. Gustong gusto ko po lumaban kaya sinubukan ko sa opening pa lang.”

“I took all the possible meds and pain killer na nireseta para makapag continue- pero hindi ko po talaga kinaya ramdam ko pa din yung pain, nadagdagan na din ng takot na kapag pinush ko baka mas may mangyari pa na hindi [okay] sa stage or after ng show baka hindi ko na magawa lahat ng 'to. I also realized na gusto kong lumaban na alam ko I'm at my best.”

Sa kabila ng lahat, inamin ni Patrick na masaya pa rin siya sa kanyang karanasan sa Stars on the Floor, na tinawag niyang “core memory” dahil sa mga natutunan niya. Ibinahagi rin niya na nagkaroon siya ng second family sa programa dahil “genuine” ang lahat ng taong bumubuo ng show.

“Maraming salamat po sa inyo for allowing me to be part of this family,” pasasalamat ni Patrick.

Sa dulo ng kanyang post, pinasalamatan din ni Patrick ang kanyang P-pop group na VXON at ang kanilang mga fans.
“To @vxonofficial , I hope I made you all proud mga pre, and I hope everyone see the best in us through this fight. Vixies, thank you sa support niyo sa bawat episode. Appreciate all of you!” aniya.

A post shared by VXON Patrick (@patrickrocamora_)

RELATED GALLERY: Why VXON's Patrick is everyone's new obsession