
Maliban sa siya ay minamahal ngayon ng kaniyang mga fans bilang isa sa mga celebrity dance stars sa Stars on the Floor, si VXON Patrick ay nagsimula rin makilala bilang isang P-pop idol.
Sa isang episode ng TRRGRD!, ibinahagi ni Patrick ang kaniyang P-pop journey na nagbukas ng mas maraming oportunidad para sa kaniyang career.
“Actually, noong nagstart 'yung VXON, handpicked 'yung nangyari tapos parang nakita nila ako sa TikTok I think tapos parang 'nung una, minessage nila ako sa IG [Instagram],” ikinuwento ni Patrick.
Inamin nito na noong una ay ayaw talaga nito na mag-audition dahil nasanay ito sa mga TV commercials at final casting.
Nawalan rin ito ng pag-asa dahil madalas itong hindi nakukuha sa mga audition at sinabi nito na sa loob ng dalawang taon ay tatlo lamang ang kaniyang projects kaya naman dumating din siya sa punto na napagod ito mag-audition.
“Napagod ako that time. Sayang 'yung luwas ng mom ko kasi siya taga-Cavite, ako naman dito. So, siya 'yung sumu-support sa akin palagi kapag VTR, siya 'yung sumasama palagi,” aniya.
Dagdag pa niya, “Wala, tapos parang tinagal tagal, napapagod ako, parang sayang 'yung pamasahe ni Mommy, sayang 'yung time kung may iba pa siya na ginawang work diba, edi sana may nangyari.”
Ibinahagi ni Patrick nagsimula ang kaniyang career bilang isang P-pop idol nang mapatawag ito sa Cornerstone para mag-audition. Pinili daw ni Patrick na magkaroon ng grupo kaysa maging isang solo artist dahil pinangarap nito magkaroon ng mga kuya noong siya ay bata pa lamang.
Sa gitna ng kaniyang journey, inamin nito na may mga panahon na siya ay nanliliit sa kaniyang sarili dahil marami pa itong insecurities at siya ay mahiyain din noon.
Ngunit, simula noong mag-dance workshop ito, tumaas ang kaniyang kumpiyansa sa sarili dahil nakitaan din siya ng potensiyal bilang isang dancer.
Nabuo ang grupong VXON noong January 2022, naging kilala sa hit songs na "Agila," "Sandal," at "Sh*t sobrang init." Si Patrick ang main dancer ng P-pop boy group.
Patuloy namang mapapanood si Patrick sa Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.
RELATED GALLERY: Why VXON's Patrick is everyone's new obsession