
Feeling blessed ang mga komedyante na sina Wacky Kiray at Negi dahil parehong masaya sila sa kani-kanilang buhay pag-ibig. Sa pagbisita nila sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, March 6, ibinahagi rin ng dalawa na masaya naman sila sa kanilang mga partners.
Sa naturang afternoon prime talk show, tinanong ni King of Talk Boy Abunda kung mahalaga ba para kina Wacky at Negi ang isang lalaki sa kanilang buhay. Para sa huli, mahalaga ito lalao na ngayon na meron siyang partner.
Tanong ni Boy, “Gaano na kayo katagal?”
“Three years na po. Kaya lang ako kasi, Tito Boy, hindi naman ako palasabi or pala-post sa social media na 'Ganito, may jowa,'” paliwanag ni Negi.
Nilinaw din ng komedyante na straight ang preference niya sa isang boyfriend.
Masaya namang ibinalita ni Wacky na sila pa rin ng kaniyang long-term boyfriend, at sinabing idol niya ang batikang host sa pagkakaroon matagal na relasyon.
“'Yung tipikal na kung ano 'yung natatanaw ng iyong mata, dapat ganu'n kalawak ang pang-unawa mo sa partner mo,” sabi ni Wacky.
Aniya, blessed din siya sa kaniyang partner dahil ito umano ang nag-ayos ng kaniyang buhay. Sa katunayan, sinusuportahan pa siya nito sa lahat ng gusto niyang gawin, at tinuturuan umano ng mga bagay na hindi niya alam.
Saksi pa umano si Negi sa magandang love story nina Wacky at ng kaniyang boyfriend, at ibinahaging isang beses lang silang nag-away. Umabot man ito sa hiwalayan ay nagkabalikan naman ang dalawa.
Ayon kay Negi, hindi siya payag na magkaroon ng girlfriend ang boyfriend niya at sabi ni Wacky, ito mismo ang dahilan kung bakit mas gusto niya ng bisexual.
“Ayoko ng straight kasi 'pag straight kasi mahirap hawakan ang relasyon, hindi katulad nating mga bi, so alam na natin kung ano ang gusto niya. 'Pag straight, parang talagang ire-ready mo ang sarili mo na magkagusto 'yan sa babae kasi gusto niyang bumuo ng pamilya,” sabi ni Wacky.
Kwento naman ni Negi ay napag-uusapan naman nila ang pagkakaroon ng pamilya. “Actually, siya 'yung nagwo-worry sa'kin na baka ako 'yung magkagusto du'n sa babae kasi minsan parang gusto ko na rin ng babae.”
Panoorin ang panayam kina Wacky at Negi sa ibaba:
BALIKAN ANG MGA SUCCESSFUL LGBTQIA+ COUPLE SA GALLERY NA ITO: