
Muling balikan ang kuwento ng pag-ibig nina Tom Fernandez at Jeza Clemente na binigyang-buhay nina Alden Richards at Andrea Torres sa Wagas ngayong Linggo, October 11.
Nagkakilala sina Tom at Jeza noong nag-aaral pa sila ng kolehiyo sa Polytechnic University of the Philippines sa Santa Mesa, Manila. Broadcast communication student si Tom samantalang student council leader naman si Jeza.
May mga pangarap na sina Tom at Jeza na magkaroon ng magandang kinabukasan pero lahat nang ito ay gumuho nang ma-diagnose si Jeza ng leukemia. Kayanin kaya nila ang pagsubok na dumating sa kanilang pag-iibigan?
Pumunta mismo sa PUP Santa Mesa sina Alden Richards at Andrea Torres upang mag-shoot ng 'Wagas.' / Source: Robin Garcia GMANews
Panoorin muli ang madamdaming kuwento nina Tom Fernandez at Jeza Clemente ngayong Linggo, October 11, sa Wagas pagkatapos ng All-Out Sundays.