What's on TV

'Wagas,' magbabalik at mapapanood na sa GMA-7

By Aaron Brennt Eusebio
Published July 4, 2019 5:57 PM PHT
Updated August 13, 2019 1:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Magbabalik na sa telebisyon ang award-winning romance anthology na 'Wagas' at mapapanood na ito araw-araw sa GMA-7.

Magbabalik na sa telebisyon ang award-winning romance anthology na Wagas.

Simula August, mapapanood na ang pinakabagong Wagas araw-araw sa GMA-7.

Tampok pa rin dito ang iba't ibang kuwento ng buhay na magpapakilig at magpapasaya sa umaga ngunit mas pinahaba ang bawat istorya dahil tatakbo ang isang kuwento sa loob ng isang buwan.

Sa anim na taon na pag-ere ng Wagas sa GMA News TV, nanalo ito ng iba't ibang awards tulad ng Gold Camera for Docudrama sa 2014 US International Film and Video Festival para sa love story nina Ron Sapinoso, na may cerebral palsy at ng kanyang misis na si Mary Grace.

Kinilala rin ng US International Film and Video Festival ang Wagas noong 2016 para sa "Gabriela and Diego Silang Story."

Abangan ang unang kuwento ng Wagas, ngayong August na, sa GMA!