What's Hot

'WAGAS': Mga totoong kwento ng pag-ibig na kahindik-hindik

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated August 20, 2020 5:47 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Cellphone ng tindahan, tila may sumpa? | GMA Integrated Newsfeed
Suspect in Cotabato grenade attack killed in hot pursuit
EA Guzman and Shaira Diaz mark their first New Year's celebration together

Article Inside Page


Showbiz News



"Paano kung ang karibal mo ay isang nilalang na hindi mo nakikita?"

"Paano kung ang karibal mo ay isang nilalang na hindi mo nakikita?"
 
Sa huling lingo ng 'Wagas' October Love Specials,  isang kahindik-hindik na  kwento ng pag-ibig at pakikipaglaban sa kampon ng kadiliman ang bibigyang buhay nina LJ Reyes at Rafael Rosell ngayong Sabado 7 P.M. sa GMA News TV.
 
SANIB NG KAPRE

 
Pagkatapos maikasal ay minabuting tumira nina Nora at Abmar sa isang simple ngunit liblib na lugar. Gaya ng mumunting kubo na kanilang tinitirhan, payak na pamumuhay ang gusto nilang pareho para sa kanilang pamilya. 
 
Madalas naiiwang mag-isa si Nora sa kanilang bahay dahil abala si Abmar sa pamamasada, kaya naman kinausap niya ang asawang mangamuhan muna sa sentro para may dagdag din silang ipon.
 
Sa masukal na daan patungo sa pinapasukan ni Nora, napapansin niyang laging may sumusutsot sa kaniya, may mga magagandang bulaklak na nakakalat at mayroon ding mga prutas na para bang siya’y nililigawan ng isang nilalang na hindi niya nakikita, ng isang kapre sa may malaking punong dinadaanan niya. 
 
Ang panliligaw ng kapre kay Nora ay lumalim nang lumalim hanggang sa gusto na siyang angkinin, gusto na siyang kunin kay Abmar. Hindi sukat akalain ni Abmar na ang susukat sa kanilang pag-iibigan ay isang  nilalang na hindi nila nakikita. 
 
Subalit mas malaki ang pag-ibig ni Abmar para kay Nora keysa sa pagsubok na ito… matagumpay na nalagpasan ng mag-asawa ang sanib ng kapre.