Celebrity Life

Wagas presents "Awit ng Pag-ibig"

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 15, 2020 9:35 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Drug war victims reject Duterte camp bid for info related to case participants
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News



Ito ang kuwento ng tunay na pag-ibig nina Gary “Alamid” Ignacio at Buena Ignacio na nagpapatunay na sa kabila ng pagsikat at pagbagsak, kasayahan at pagkakasakit, mananatiling nagmamahalan ang dalawang taong wagas na nagsumpaan.


Pumanaw man kamakailan si Si Gary Ignacio, ang bokalista ng bandang Alamid--- habang buhay na mananatili ang awiting iniwan niya sa atin. Hanggang ngayon kinakanta natin ang Your Love, pero alam niyo ba ang kwento sa likod ng kanta?

Ang babaeng naging inspirasyon sa awitin ang mismong magkukwento kung paano kasabay nang pagbuo ng kanta ay ang pagbuo ng isang love story.

Ngayong Sabado sa Wagas, makikilala natin ang inspirasyon ni Gary sa kanyang awit… si Buena, ang kanyang maybahay. Ikukwento ni Buena kung paano siya niligawan ng noo’y nagsisimula pa lang na si Gary, hanggang sa kasagsagan ng pagsikat nito at pati na rin ang naging epekto sa kanila ng naging sakit ni Gary.



Ito ang kuwento ng tunay na pag-ibig nina Gary “Alamid” Ignacio at Buena Ignacio na nagpapatunay na sa kabila ng pagsikat at pagbagsak, kasayahan at pagkakasakit, mananatiling nagmamahalan ang dalawang taong wagas na nagsumpaan.



Isang madamdaming pagtatanghal tampok sina Dion Ignacio at Charee Pineda upang bigyang buhay ang natatanging kwento ng pag-ibig nina Gary "Alamid" at Buena Ignacio sa Wagas ngayong Sabado,7pm sa GMA News TV!