What's Hot

'Wagas' presents 'Basta Tricycle Driver, Sweet Lover'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 27, 2020 4:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alden Richards earns praise from co-stars Katherine McNamara, Byron Mann in upcoming int'l film
Alleged spoiled food served in Bacolod City LGU party
Michelle Dee celebrates the holidays with a designer bag

Article Inside Page


Showbiz News



Tampok sina Kylie Padilla at Derrick Monasterio ngayong Sabado (July 18) sa 'Wagas.'

Hindi ordinaryong Tricycle Driver si Romy--naputulan man ng paa tuloy pa rin ang kanyang pasada. Pero bukod sa kahanga-hanga niyang kasipagaan, laman ng kanyang puso ang isang matamis at makulay na love story. 
 
Pasahero ni Romy sa tricycle si Emily at unang kita pa lang niya sa dalaga alam niya raw na iba na ang tama niya. Kaya nang sunod niya itong maisakay sa tricycle, nilibre niya na sa pamasahe.  Mula noon, inaraw-araw niya na ang panliligaw. 
Niligawan ni Romy pati pamilya ni Emily at kahit  relihiyon niya, binago niya para sa dalaga.  
 
Tutol man ang pamilya ni Emily sa isang hamak na tricycle driver, pinaglaban nila ang kanilang pagmamahalan. 
  
Sa tuwing pumapasada si Romy, kasama niya si Emily. Hindi sila mapaghiwalay.
 
Pero isang malagim na aksidente ang magkasama rin nilang naranasan. Nabangga ang kanilang tricycle at kinailangan putulin ang paa ni Romy.
 
Sa kabila nito, magkasama silang bumangon mula sa trahedya. At putol man ang kanyang paa, tuloy pa rin si Romy sa pagiging mapagmahal na asawa kay Emily at responsableng padre de pamilya. 
 
Tampok sina Kylie Padilla at Derrick Monasterio, abangan ang kahanga-hangang kuwento ng pag-ibig at pagbangon ngayong Sabado (July 18) sa WAGAS, 7 PM on GMA News TV.