What's Hot

'Wagas' presents "Biyuda ng Pag-ibig"

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated August 7, 2020 3:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTFRB: PUVs can operate once provisional authority is logged in online verifier
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News



 

Tampok sina Assunta de Rossi at Archie Alemania ngayong Sabado (March 19) sa 'Wagas.'

 

 


Maniniwala ka pa ba sa forever kung lahat ng minamahal mo ay namamatay?

May sa malas nga raw si Tess. Naka tatlong boyfriend na siya… lahat, binabawian ng buhay! Kaya takot na takot na siyang magmahal muli.

First boyfriend ni Tess si Tim. Naging matamis ang kanilang pagsasama. Pero nang lumipat ng ibang eskwelahan si Tim, wala na siyang narinig mula sa binata.  Nagulat na lang siya ng mabalitaang namatay pala ito--- pinugutan ng ulo at napag “trip-an” ng isang gang si Tim. 

Sunod na dumating sa buhay ni Tess si JR. Isang singer at basketball player.  Binuo nilang magkasama ang isang kantang hindi matapos tapos ni JR noon. Pero makalipas ang ilang buwan, naospital at namatay mismo sa mga kamay ni Tess si JR.

Kamukhang kamukha naman ni JR ang sunod na naging pag-ibig ni Tess—si Jayson. Dating hitman na naging security guard. Naging masugid ang panliligaw niya kay Tess. Naging sila. Pagkatapos ng ilang buwan, nabaril naman si Jayson.

Takot nang umibig si Tess. Para raw siyang may sumpa--- lahat ng nagiging boyfriend niya, namamatay. Hanggang sa makilala niya si Gilbert.

Na-“love at first sight” si Gilbert kay Tess. Narinig niya ang mga balita tungkol sa mga “malas” na pag-ibig daw ng dalaga. Kaya ang “gameplan” niya, hindi na siya magiging “boyfriend”… agad na siyang mag-a-apply bilang asawa baka sakali raw maputol ang “sumpa”!

Abangan ang ma-aksyon, ma-drama, nakakatawa at nakaka-aliw na love story ngayong Sabado sa WAGAS tampok sina Assunta de Rossi, Archie Alemania, JC Santos at Dexter Quindoza,7 PM on GMA NEWS TV!