What's Hot

'Wagas' presents 'Love On Wheels'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 21, 2020 7:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Boy, 12, killed in firecracker blast in Tondo, Manila on Sunday night
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News



Na-miss niyo na ba ang tambalang AlKris? Panoorin sila sa 'Wagas' ngayong Sabado (July 4), 7 p.m. sa GMA News TV. 



Muling magbabalik ang tambalang Aljur-Kris na minahal ng marami ngayong Sabado (July 4) sa WAGAS!
 
Isang madamdaming kuwento ang kanilang bibigyang buhay- dalawang lumpo na nakatagpo ng tunay na pag-ibig sa isa’t-isa.  
 
Kapwa naka-wheelchair at disabled sina Carmelita at Rolly. Pareho silang nagkasakit ng polio noong sila’y  mga bata pa kung kaya’t parehong hindi nakakalakad.
 
First year high school si Carms nang dalhin siya ng pamilya niya sa Bahay Mapagmahal, isang stay-in na eskwelahan  para sa mga Persons With Disabilities. Noong una’y hindi niya gusto ang lugar kung saan lahat ng kanyang mga kaklase ay pawang nakawheelchair din. Dito niya makikilala si Rolly, ang pinakamagaling na miyembro ng Rondalla. 
 
Hindi nila  gusto ang isa’t isa noong una pero tila pinagtatagpo sila ng tadhana. Makalipas ang ilang taon, muli silang magkikita.
 
Sa Tahanang Walang Hagdan, naging magkatrabaho naman sina Rolly at Carms. Dito mabubuo ang kanilang pag iibigan na hindi mapipigilan ng sari-sarili nilang kapansanan. 
 
Tampok sina  Kris Bernal at Aljur Abrenica--- isang madamdaming kwento ng tunay na pag-ibig ang handog ng WAGAS ngayong Sabado (July 4), 7 p.m.
sa GMANEWSTV.