What's Hot

'Wagas' presents 'The Doc Nielsen & Carol Donato Love Story'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 19, 2020 4:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Volleyball Tournament - March 6, 2026 | NCAA Season 101
GMAKF, nagpapatayo ng 2-storey Kapuso school building sa Malitbog Elementary School | 24 Oras
DTI: Price hike for goods, other items needs agency's approval

Article Inside Page


Showbiz News



Kilala natin siya bilang 'Born to Be Wild' host at beterinaryo pero may makulay palang love life si Doc Nielsen Donato.


Kilala natin siya bilang Born to Be Wild host at beterinaryo pero may makulay palang love life si Doc Nielsen Donato at ang nag-iisang babae sa buhay niya na si Carol!
 
Bata palang, alam na ni Nielsen na gusto niyang maging doktor ng mga hayop. Mahiyain si Nielsen at hindi rin siya masyadong magaling pagdating sa mga babae. Bukod sa eskwela, pinagkakaabalahan  niya ang pagtatrabaho  sa sarili nilang resort sa Laguna. Dito niya nakilala si Carol---isa sa mga guests nila sa resort. 
 
Hindi madali ang panliligaw ni Nielsen kay Carol dahil isa siyang malaking ‘torpe.’ Sa katunayan, tuwing nagdi-date sila may kasama pang chaperone lagi si Nielsen. Hindi nagsasalita si Nielsen at madalas na nahihiya kay Carol pero nahulog ang loob ng dalaga sa mahiyain at sinserong binata.  Pati pamilya kasi niya nililigawan ni Nielsen.
 
Naging sila sa taxi. Matapos ang limang taon , nauwi sa kasalan ang matamis nilang pagsasama. 
 
Subalit hindi naging madali ang sumunod na mga kabanata--- naging ganap na Beterinaryo na si Nielsen at sari saring pagsubok ang pinagdaaanan ng kanilang relasyon. 

 
Abangan si Mikael Daez sa natatanging pagganap bilang Doc Nielsen Donato kasama si Stephanie Sol bilang si Carol ngayong darating na Sabado (September 26) sa Wagas 7 pm sa GMA News TV!